JavaScript is required

Maagang Simula na Kindergarten (Early Start Kindergarten) - Filipino

Kung ikaw ay isang refugee o asylum seeker, maaaring ikaw ay marapat para sa Early Start Kindergarten (ESK). Makakatulong ang ESK na matiyak na makukuha mo ang maximum na bilang ng oras ng libreng kinder na programa na posible bawat linggo para sa iyong anak.

Sa 2023, ang mga programang Pantatlong-Taong-Gulang na Kinder ay para sa pagitan ng 5 at 15 oras bawat linggo at ang Pang-apat-na-Taong-Gulang na Kinder na programa ay para sa 15 oras. Ginagarantiyahan ng pag-enrol sa ESK ang buong 15 oras bawat linggo sa mga programang Pantatlong-Taong-Gulang at Pang-apat-na-Taong-Gulang na Kinder. Ito ay para sa mga bata na:

  • mula sa background na refugee o naghahanap ng asylum
  • kumikilala ng sarili bilang Aborihinal at/o Torres Strait Islander
  • ang pamilya ay nakipag-ugnayan sa proteksyon ng bata

Saanman sila nakatira sa Victoria, ang mga batang ito ay maaaring maka-access sa 15 oras ng libreng kinder bawat linggo sa panahon ng paglunsad (roll out). Ang kanilang kasalukuyang pag-access at mga oras na kanilang natatanggap ay hindi magbabago.

Paano mag-aplay:

Ang ESK ay makukuha sa lahat ng mga programang pang-kinder na inihahatid ng isang kwalipikadong guro. Maaari mong i-enrol ang iyong anak sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa isang kinder na malapit sa inyo at paghingi ng access sa isang Early Start Kindergarten grant. Ang mga serbisyo ng Kinder ay makaka-access ng libreng serbisyo sa pagsasalin upang suportahan ka sa inyong wika.

Maaari ka ring makipag-ugnayan sa Kindergarten Enquiry Line ng Kagawaran ng Edukasyon para sa Pantatlong-Taong- Gulang sa 1800 338 663 o sa inyong lokal na konseho para sa tulong. Para makakuha ng tulong sa inyong wika, maaari kang tumawag sa National Translating and Interpreting Service sa 131 450, hilingin sa interpreter na tawagan ang numero ng inyong lokal na konseho o ng Kagawaran ng Edukasyon, at mananatili ang interpreter sa telepono at mag-iinterpret.

Kailan mag-aaplay:

Ang mga bata ay marapat para sa ESK kung sila ay magiging tatlong taong gulang bago ang ika-30 ng Abril sa taon na sila ay naka-enrol sa kinder. Tingnan ang 'kailan dapat mag-enrol (when to enrol)'.

Maaari mong piliing papasukin ang iyong anak sa paaralan sa taon na siya ay magiging lima o anim na taong gulang. Kung gayon, maaari niyang ma-access ang ESK sa taon na siya ay magiging tatlo o apat na taong gulang.

Kung kailangan mo ng tulong sa pag-alam kung kailan magiging karapat-dapat ang iyong anak para sa ESK, maaari kang makipag-ugnayan sa Kagawaran ng Edukasyon, sa inyong lokal na konseho, sa iyong nars sa kalusugan ng ina at anak, o sa isang kinder sa inyong lugar, o alinman sa mga sumusunod na organisasyon sa inyong lugar.

  • Pantatlong-Taong-Gulang na Kindergarten Linyang Pagtatanungan 1800 338 663
  • Brotherhood of St Laurence 03 9483 1183
  • Foundation House 03 9389 8900
  • Fka Children’s Services 03 9428 4471
  • VICSEG New Futures 03 9383 2533

Updated