JavaScript is required

Paano at kailan dapat mag-enrol (How and when to enrol) - Filipino

Makipag-usap sa inyong lokal na konseho o serbisyong pang-kindergarten tungkol sa proseso ng pag-enrol. Maaari ka ring tumawag sa Enquiry Line para sa Pantatlong-Taong-Gulang na Kindergarten sa 1800 338 663 o mag-email sa 3YO.kindergarten@education.vic.gov.au. Para sa suporta sa inyong wika o para makakuha ng interpreter, tumawag muna sa 131 450.

Early Start Kindergarten (Maagang Simula na Kindergarten)

Ang mga bata na refugee o asylum seeker ang pinagmulan ay maaaring maka-access sa mga karagdagang suporta at uunahing maka-access sa kindergarten sa pamamagitan ng Early Start Kindergarten. Maaari mong tanungin ang inyong lokal na serbisyo tungkol sa Early Start Kindergarten kapag ikaw ay nagpapa-enrol ng iyong anak, o bisitahin ang Early Start Kindergarten para sa karagdagang impormasyon.

Kailan dapat mag-enrol

Sa Victoria, maaaring simulan ang mga bata sa kinder program kapag sila ay 3 taong gulang na. Maaari mong ipasok ang petsa ng kapanganakan ng iyong anak sa Starting Age Calculator upang malaman kung anong taon maaari nilang simulan ang Pantatlo at Pang-apat-na-Taong-Gulang na Kinder.

Kung ang kaarawan ng iyong anak ay nasa pagitan ng ika-1 ng Enero at ika-30 ng Abril, kailangan mong alamin ang taon ng pagsisimula niya sa paaralan upang malaman kung aling taon siya mag-aaral sa kinder. Maaari mong piliing papasukin ang iyong anak sa paaralan sa taon na siya ay magiging lima o anim na taong gulang.

Maghanap ng isang kinder program

Para makahanap ng mga serbisyong nag-aalok ng mga aprubadong programang pang-kinder, bisitahin ang website ng find a kinder program (Find A Kinder Program – Department of Education and Training, Victoria (educationapps.vic.gov.au)). Ang inyong lokal na konseho at mga serbisyong pang-kindergarten ay maaari ring makatulong sa iyo na makakuha ng puwesto sa kindergarten.

Hanapin ang Kinder Tick:

Ang Kinder Tick tumutulong sa mga pamilyang Victorian na makahanap ng isang aprubadong programa sa kinder para sa kanilang mga anak.

Hanapin ang logo ng Kinder Tick sa inyong lokal na serbisyo sa kindergarten, sa gusali o bakuran ng serbisyo o sentro, sa kanilang website o sa kanilang mga pang-impormasyon na materyales.

Updated