JavaScript is required

Estratehiya ng Victoria laban sa rasismo 2024–2029 (Victoria's anti-racism strategy 2024-2029) - Filipino

Ang unang pambuong pamahalaang estratehiya ng Victoria laban sa rasismo ay isang 5-taon na plano upang matigil ang rasismo at diskriminasyon sa Victoria.

Victoria's anti-racism strategy in Filipino
PDF 805.02 KB
(opens in a new window)

Sa pamamagitan ng pagtutulungan, maaari tayong bumuo ng mas makatarungan at mas ligtas na Victoria kung saan nararamdaman ng lahat na sila ay kasama.

Ano ang rasismo?

Ang rasismo ay isang uri ng diskriminasyon kung saan ang mga tao ay tinatrato nang hindi makatarungan dahil sa kanilang lahi o etnisidad. Maaaring kabilang dito ang pang-aabuso sa salita, pagbubukod, o hindi pagkakaroon ng parehong access o oportunidad na gaya ng iba.

Ang rasismo ay maaaring mangyari sa maraming paraan. Ang estratehiyang ito ay nakatuon sa pagtugon sa rasismo sa:

  • komunidad
  • mga organisasyon at institusyon
  • mga batas, patakaran, at sistema.

Ang aming bisyon

Isang Victoria na walang rasismo at diskriminasyon, kung saan ang lahat ng mga taga-Victoria ay tumatamasa ng pantay na mga karapatan, kalayaan, at proteksyon, at umuunlad sa mga ligtas, maalaga, at masuportang komunidad.

Ang estratehiya ay may 4 na layunin para bawasan ang rasismo at diskriminasyon sa Victoria

  • Layunin 1: Ang mga rasistang saloobin, pag-uugali, at paniniwala ay tinutukoy, hinahamon, at tinatanggihan.
  • Layunin 2: Ang mga serbisyong pampamahalaan at mga lugar ng trabaho ay ligtas, naa-access, at hindi nagdidiskrimina.
  • Layunin 3: Ang rasismo at diskriminasyon ay hindi na hadlang sa pakikilahok, pag-unlad, kaligtasan, at tagumpay sa lahat ng sektor.
  • Layunin 4: Ang mga tao na dumaranas ng rasismo ay tumatanggap ng angkop at ligtas sa kulturang mga serbisyo at suporta.

Pagpapatupad ng bisyon

Ang estratehiya laban sa rasismo ay:

  • maglunsad ng kampanya sa buong estado upang tumugon sa rasismo sa mga isport sa komunidad
  • sumuporta sa mga aksyong pinamumunuan ng komunidad upang labanan ang rasismo sa lokal na antas
  • palakasin ang mga proteksyon at batas laban sa mapanirang pananalita at pag-uugali
  • pagbutihin ang paraan ng pagtugon ng mga organisasyong namamahala sa mga reklamo hinggil sa mga ulat sa rasismo
  • bawasan ang rasismo at diskriminasyon sa pagpapatupad ng batas
  • paunlarin kung paano pinipigilan at tinutugunan ng mga tagapag-empleyo at organisasyon ang rasismo
  • sumuporta sa mga lokal na network na lumalaban sa rasismo para sa mga taong nakaranas ng rasismo.

Susukatin namin ang epekto ng estratehiya sa pagbawas ng rasismo at iuulat sa komunidad ang aming progreso.

Bakit natin kailangan ang estratehiyang ito

Tayo ay magkakaiba-iba

  • 30% ng mga taga-Victoria ang ipinanganak sa ibang bansa
  • 8% ng mga First Peoples ng Australya ay nakatira sa Victoria
  • Ang mga taga-Victoria ay nagmula sa mahigit 300 iba't ibang lahi, nagsasalita ng 290 na wika at diyalekto, at sumusunod sa halos 200 na iba't ibang mga pananampalataya

Ang rasismo ay problema pa rin

  • Noong 2022, 3 sa 5 First Peoples (60%) ang nag-ulat na dumaranas ng rasismo sa Australya
  • Noong 2023, 1 sa 5 tao (18%) ang nag-ulat na dumaranas ng rasismo sa Australya.
  • 3 sa 5 Australyano (63%) ay may negatibong pananaw sa isa o mahigit pang mga grupo ng migrante mula sa Asya, Africa, o Middle East o sa mga hindi Kristiyanong relihiyon
  • 3 sa 5 Australyano (62%) ay tinuturing ang rasismo bilang isang 'napakalaki' o 'medyo malaking' problema

Ang kakulangan sa impormasyon at tiwala ng komunidad sa mga serbisyo ay maaaring mangahulugan ng hindi pag-uulat ng lahat ng rasismo.

Kanino kami nakipag-usap

Nakakuha kami ng mga pahayag mula sa mahigit 670 na mga taga-Victoria mula sa mga First Peoples, mga komunidad na magkakaiba-ibang kultura at relihiyon. Kasama rito ang mga lider ng komunidad, mga eksperto, at mga manggagawang nasa frontline.

Pag-uulat ng rasismo sa Victoria

Hindi dapat palampasin ninuman ang rasismo. Kung ikaw ay dumaranas o nakasaksi ng rasismo o diskriminasyon sa Victoria, maaari mo itong isumbong.

Komisyon sa Pagkapantay-pantay na Oportunidad at Karapantang Pantao sa Victoria (Victorian Equal Opportunity and Human Rights Commission)

Tumawag sa 1300 292 153 sa mga araw ng trabaho mula 10:00 ng umaga hanggang 2:00 ng hapon. Kung kailangan mo ng libreng serbisyo ng interpreter, tumawag sa 1300 152 494.

Email enquiries@veohrc.vic.gov.au

Gumawa ng di-pormal na ulat sa online.

Kontakin ang National Relay Service kung ikaw ay D/deaf, may kahinaan sa pandinig o may kanpansanan sa pagsasalita.

Pulisya ng Victoria (Victoria Police)

Sa emerhensiya, para isumbong ang krimen na nagaganap, o para sa agarang pagpunta ng pulis, tumawag sa Triple Zero (000).

Para sa hindi emerhensiya, tumawag sa Police Assistance Line sa 131 444 o tumawag sa 131 450 para sa libreng serbisyo ng interpreter.

Maaari kang magsumbong sa iyong lokal na himpilan ng pulisya o sa online.

Maaari kang magsumbong nang hindi nagpapakilala sa Crime Stoppers sa 1800 333 000.

Para sa karagdagang suporta at mga opsyon sa pagsusumbong, mangyaring bisitahin ang estratehiya laban sa rasismo (anti-racism strategy) ng Victoria.

Karagdagang impormasyon

Maaari mong mabasa ang buong estratehiya sa Ingles o ang buod na ito sa iba pang mga wika sa online.

Maaari mo ring tawagan ang Translating and Interpreting Service (TIS) sa 131 450 at ang Department of Premier and Cabinet sa 03 9651 5111 para sa karagdagang impormasyon.

Maaari kang mag-email sa Department of Premier and Cabinet sa antiracism.strategy@dpc.vic.gov.au

Updated