Iwasan ang paglangoy na nag-iisa
Kalimitang lumalabis tayo ng palagay sa mga kakayahan nating lumangoy, lalo na kung matagal-tagal na tayong hindi nakatikim lumangoy. Iwasang malagay ang iyong sarili sa mga mapanganib na sitwayon sa pamamagitan ng huwag kailanman mag-isang lumangoy.
Ang mga aksidente ay di-inaasahang nangyayari, katulad ng mga pagpulikat, pagkapagod o biglaang mga problema sa sakit. Kung walang ibang taong nasa malapit para makatulong o tumawag ng tulong, ang sitwasyon ay dagliang nagiging masama.
Kapag lumalangoy na may kasama, sa mga kasong pang-emerhensya, ang tsansang malaman at magresponde sa mga ganyang nangyayari ay may malaking kabuluhan.
Alamin ang mga kalagayan ng panahon
Sa Victoria, ang lagay ng panahon ay madaling magbago at hindi inaasahan. Kung plano mong lumangoy o maging malapit sa dagat, matyagan ang takbo ng panahon bago lumusong at habang naroroon.
Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang http://www.bom.gov.au/(opens in a new window)
Matyagan ang:
- mga pagbabago ng kalagayan ng panahon,
- mga pag-iiba ng lamig,
- mga pagbabago sa direksyon ng hangin/malakas na hangin o
- mga malalaking alon na nakakaapekto sa mga aktibidad sa dagat.
Maging handa na baguhin ang iyong mga plano kapag nasa dagat na at nalaman mong ang kalagayan ay hindi na nababagay para sa aktibidad na nakaplano mo. Hindi sulit na sumuong sa panganib.
Ang alak ay nakakasira sa kakayahan ng paglangoy at pagpapasya
Iba-iba ang epekto ng alak sa lahat ng tao. Ibig sabihin nito na para sa lahat ay walang masasabing ligtas ang anumang dami sa pag-inom ng alak. Kahit katiting na dami ng alak ay nakakaapekto sa pag-uugali at abilidad, nagpapalaki sa panganib ng pagkalunod.
Ang alcohol ay nagpapalaki sa panganib ng pagkalunod, dahil ito ay:
- Nakakasira sa pagpapasya. Binabaluktot ang pang-unawa sa panganib at abilidad ng tao
- Pinatatapang ang ugali ng tao na sumuong sa panganib. Inaalis ang mga kahinaan ng loob
- Binabawasan ang pagkoordinasyon. Pinapamanhid ang mga pandama, lalo na ang paningin, tunog at pandamdam na nauuwi sa pagsusuray, bawas na pang-unawa sa lagay ng katawan at ang kawalang kakayahan sa pagsalta o paglangoy ang magpapahirap na makalayo sa masamang pangyayari
- Nakakasira sa bilis ng pag-reaksyon. Ang alcohol ay isang depressant (pampababa ng huwisyo), binabawasan ang pagpoproseso ng impormasyon sa utak. Sa mga emerhensya sa dagat, na ang tiyempo sa pagresponde ay mahalaga, mapapatunayan dito ang diprensya sa pagitan ng pagiging buhay o pagkamatay
Palaging lumangoy sa pagitan ng mga pula at dilaw na watawat
Sa Australya, nagtutukoy ang pula at dilaw na watawat na ang lugar ay pinapatrulya/pinapangasiwaan ng mga tagasagip (lifesaver at lifeguard), na mga nakasuot ng unipormeng pula at dilaw. Bawa't araw, ang mga lifesaver at lifeguard ay humahanap ng pinaka-ligtas na lugar na malalanguyan sa baybay, upang maiwasan ang mga lugar na mapanganib na mayroong katulad ng mga rip current at mga batuhan. Ang paglangoy sa pagitan ng pula at dilaw na watawat ang siyang pinakaligtas na lugar sa paglalanguyan. Hindi napapatrulyahan ang lahat ng mga baybay-dagat. Lumangoy lamang sa mga baybay na may pula at dilaw ng mga watawat. Tandaan, kung hindi ka nakikita ng lifesaver o lifeguard, hindi ka nila matutulungan.
Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang https://lsv.com.au/life-saving-services/
Laging magsuot ng life jacket
Alam mo ba na kung ikaw ay nasa anumang sasakyang-sagwan (paddlecraft), at sa mga karamihang sitwasyon kung nasa mga sasakyang pandagat na de motor (powered), ikaw at ang mga pasahero mo ay kailangang magsuot ng life jacket sa lahat ng oras sa Victoria. Kung malaglag ka man sa dagat, palulutangin ka ng life jacket habang naghihintay sa pagdating ng tagasagip. At palaging magdala ng telepono o radyo sa katawan, upang makapagtala ng alarma kung masuong ka sa problema.
Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang https://safetransport.vic.gov.au/on-the-water/wear-a-lifejacket/
Updated