JavaScript is required

Impormasyong Free Kinder (About Free Kinder) - Filipino

Ang Free Kinder ay makukuha sa mga programang Pantatlo at Pang-apat-na-Taong-Gulang na Kinder sa mga kalahok na serbisyo sa buong Victoria. Kabilang dito ang long day care at standalone (na tinatawag ding sessional) na mga serbisyong pang-kinder.

Pagtitipid para sa mga pamilya

Ang Free Kinder ay nangangahulugang makakatipid ng hanggang $2,500 kada bata bawat taon.

Ang mga pamilyang may mga anak na naka-enrol sa isang kalahok na standalone kinder ay tatanggap ng libreng programa.

Ang mga pamilyang may mga anak na naka-enrol sa isang kalahok na long day care ay makakakuha ng fee offset na hanggang sa $2,000 kada bata. Kung ang iyong anak ay naka-enrol sa programang Pantatlong-Taong-Gulang na Kinder na kulang sa 15 oras, makakatanggap ka ng pro-rata fee offset na halaga.

Pagiging marapat para sa Free Kinder

Ang Free Kinder ay para sa lahat.

Ang mga pamilya ay hindi kailangang magkaroon ng Health Care Card o Pension Card, pagkamamamayan ng Australya, o patunay ng address upang maging marapat sa pag-access. Hindi mo rin kailangang maging marapat para sa Australian Government Child Care Subsidy (CCS) upang makatanggap ng Free Kinder.

Maaari ka lamang tumanggap ng Free Kinder sa isang serbisyong pang-kinder sa isang pagkakataon. Hihilingin sa iyo ng inyong serbisyong pang-kinder na pumirma sa isang liham, na tumutukoy sa serbisyo kung saan ka tatanggap ng Free Kinder. Kung ang iyong anak ay pumapasok sa mahigit sa isang serbisyong pang-kinder, dapat mong ipaalam sa bawat serbisyo kung saan mo nais um-access ng Free Kinder.

Paano ang pag-access sa pondo ng Free Kinder

Ang mga serbisyong pang-kinder na nag aalok ng Free Kinder ay direktang tumatanggap ng pondo mula sa Pamahalaang Victoria. Ibig sabihin, hindi na kailangang humiling ang mga pamilya ng kanilang matitipid, sa halip ay ibabawas ito sa inyong mga babayaran.

Sa sessional kinder, ang iyong programa ay libre.

Sa long day care, ang $2,000 Free Kinder offset ay regular na ilalapat sa iyong mga babayaran sa buong taon (halimbawa, lingguhan o kada dalawang linggo). Makikita mo nang malinaw ang halaga sa iyong invoice bilang 'Victorian Government Free Kinder offset'.

Kung ikaw ay marapat para sa Commonwealth Childcare Subsidy ito muna ang ilalapat. Ibig sabihin, kailangan mo lang bayaran ang natitirang halaga makaraang ilapat ang CCS at Free Kinder offset.

Makikita ng mga pamilyang gumagamit ng long day care kinder na programa ang mga matitipid mula sa Free Kinder sa bawat pagsingil na may 'Victorian Government Free Kinder offset' na malinaw na nakasaad sa mga invoice.

Paano ilalapat ang fee offset sa mga babayarang ikaw mismo ang nagbayad

Ang Free Kinder offset ay regular na ilalapat sa iyong mga babayaran sa buong taon (halimbawa, lingguhan o kada dalawang linggo). Makikita mo nang malinaw ang halaga sa iyong invoice bilang 'Victorian Government Free Kinder offset'.

Para sa impormasyon kung paano ilalapat ang offset sa iyong mga babayaran at kung paano ito ipinapakita sa iyong invoice, mangyaring makipag-usap nang direkta sa iyong serbisyong pang-kinder. Kung ang iyong anak ay uma-access ng mahigit sa 15 oras kada linggo, ang mga karagdagang oras na ito ay hindi sakop ng offset.

Kung ikaw ay marapat para sa Commonwealth Childcare Subsidy ito muna ang ilalapat. Ibig sabihin, kailangan mo lang bayaran ang natitirang halaga makaraang ilapat ang CCS at Free Kinder offset.

Halimbawa:

  • Ang isang batang 4 na taong gulang ay dumadalo sa isang long day care na may kinder program 3 araw sa isang linggo.
  • Ang serbisyo ay sisingil ng $360 para sa 3 araw (kabilang ang mga oras ng kinder at karagdagang oras ng pangangalaga).
  • Ang pamilya ay makakakuha ng CCS na $252.
  • Ilalapat ng serbisyo ang $2,000 Free Kinder offset nang lingguhan sa loob ng 40 linggo ($50 kada linggo).
  • Ang pamilya ay magbabayad ng $58 makaraang ilapat ang CCS at Free Kinder offset

Mangyaring tandaan. Ito ay isang halimbawa lamang at ang mga gastusin ay mag-iiba-iba depende sa mga indibidwal na kalagayan.

Updated