JavaScript is required

Three-Year-Old Kindergarten brochure - Tagalog

Ang Pamahalaang Victoria ay namumuhunan ng halos $5 bilyon sa loob ng isang dekada upang ipakilala ang pinondohang Three-Year-Old Kindergarten - at magagamit na ito sa buong estado.

Ang Pamahalaang Victoria ay namumuhunan ng halos $5 bilyon sa loob ng isang dekada upang ipakilala ang pinondohang Three-Year-Old Kindergarten - at magagamit na ito sa buong estado.

Nangangahulugan ito ng isa pang taon ng pag-aaral, pag-unlad, paglalaro at pakikipagkaibigan para sa lahat ng mga batang Victoria.

Ang pakikilahok sa isang may kalidad na programang kindergarten mula sa edad na tatlo ay nagpapalakas sa mga kalalabasan ng pagkatuto, pag-unlad, kalusugan at kagalingan ng mga bata.

Natututunan ng maliliit na bata ang tungkol sa kanilang paligid sa pamamagitan ng paglalaro

Ang pagkatuto na nakabatay sa paglalaro ang pinakamahusay na paraan ng pagkatuto ng mga bata. Binibigyan nito ang mga bata ng pagkakataong gamitin ang kanilang imahinasyon, patatagin ang kanilang mga kasanayan sa wika at matutunan ang tungkol sa mga numero at pattern. Natutunan din nila kung paano makisama sa iba, magbahagi, makinig at pamahalaan ang kanilang damdamin.

Lahat ng mga bata sa Victoria ay may access sa dalawang taon na pinondohang Kindergarten

Ang mga bata sa buong estado ay makikinabang simula 2022 na may access sa hindi bababa sa limang oras ng pinondohang programang kindergarten bawat linggo. Ang mga oras ay magiging 15 oras sa isang linggo sa 2029.

Saanmang kindergarten pumapasok ang iyong anak, ang mga guro at bihasang mga tagapagturo ang mamumuno sa programa

Ang mga bata ay maaaring dumalo sa programang kindergarten sa serbisyong long day care (childcare) o sa standalone na kindergarten.

Matututunan ng maliliit na bata ang tungkol sa mundo sa pamamagitan ng paglalaro

Natututo silang makisama sa iba, magbahagi, makinig, at pamahalaan ang kanilang damdamin

Sa programang kindergarten, ginagamit ng mga bata ang paglalaro upang patatagin ang kanilang kasanayan sa wika at matutunan ang tungkol sa mga numero at pattern

Ang mga guro at tagapagturo ay tumutulong sa mga bata na maging mausisa, malikhain at matiwala sa pag-aaral

Updated