Gabay para sa mga Pamilya
![Title page on purple background with illustration of two children playing, text displayed is Guide for Families.](/sites/default/files/2025-01/kinder-kit-2025-image-1.jpg)
Tungkol sa Iyong Kinder Kit
Ang paglalaro ay isang masaya at nakakaengganyo na paraan upang suportahan ang pag-aaral at pag-unlad ng iyong anak. Ang mga magulang, tagapag-alaga at pamilya ay malaking bahagi ng paglalakbay na iyon.
Ang Kinder Kits ay puno ng mga libro, mga laruang pang-edukasyon at mga aktibidad na ginawa para sa iyong anak at pamilya upang kasiyahan sa bahay.
Kasama sa bawat Kinder Kit ang mga bagay na nilikha para talaga sa mga tatlong taong gulang.
![Illustration of three children playing. One is reading a book, one is colouring in, one is holding animal finger puppets.](/sites/default/files/2025-01/kinder-kit-2025-image-2.jpg)
Victorian Early Years Learning and Development Framework
Sinusuportahan ng mga guro at tagapagturo ng maagang pagkabata (early childhood) ang iyong anak upang lumago at matuto.
Ginagamit ng mga programa sa kindergarten ang Victorian Early Years Learning and Development Framework (VEYLDF).
Lahat ng nasa iyong Kinder Kit ay umuugnay sa 1 o mahigit pang mga resulta ng pag-aaral at pag-unlad sa VEYLDF:
- Identidad
- Pag-aaral
- Komunidad
- Komunikasyon
- Kagalingan
Backpack
Maaaring gamitin ang mga Kinder Kit na backpack araw-araw.
Maaaring sanayin ng iyong anak ang kanyang pagdrowing sa likod ng cardboard tag, para malaman niya kung aling bag ang kanya.
Buksan ang backpack at siguruhin na gamit ang mga tab na Velcro. Gamitin ang ibabaw ng felt para sa mapanlikhang laro.
![](/sites/default/files/2025-01/kinder-kit-2025-image-3.jpg)
- Higpitan o luwagan ang mga strap ng backpack upang ang bag ay nakapantay sa likod ng iyong anak.
- Gumawa ng hardin gamit ang mga felt na sticker.
- Hikayatin ang pagdrowing sa name tag.
- Magpraktis ng mga kasanayan bago magsulat.
Pagbasa
Ang pagbabasa ay isang mahusay na paraan upang gumugol ng oras na magkakasama bilang isang pamilya. Isa ito sa pinakamahalagang paraan para suportahan ang pag-unlad ng pagbasa at pagsulat.
Ang pagkakaroon ng regular na oras ng pagkukuwento sa iyong anak ay makatutulong sa pagbuo ng kanyang imahinasyon at bokabularyo.
![](/sites/default/files/2025-01/kinder-kit-2025-image-4.jpg)
- Magkasamang pumili ng libro.
- Maghanap ng komportableng lugar upang mapalagay at magbasa.
- Bigyan siya ng panahon upang magsabi ng kanyang mga ideya kung ano ang maaaring susunod na mangyayari sa kuwento.
- Gumamit ng iba't ibang tinig.
Pagdodrowing at paggawa ng marka
Ang pagdodrowing at paggawa ng marka ay nagbibigay-daan sa mga bata na malikhaing ipahayag ang kanilang sarili. Sa pamamagitan ng pag-eksperimento gamit ang mga krayola sa papel, ang mga bata ay:
- mapapahusay ang kanyang fine motor skills, na mahalaga para sa pag-aaral ng pagsulat
- mapapagbuti ang koordinasyon ng kanilang kamay at mata
- malalaman ang tungkol sa mga kulay, hugis, pattern at guhit
- maipapahayag ang pagiging malikhain
- matututong makipag-usap sa iba.
![](/sites/default/files/2025-01/kinder-kit-2025-image-5.jpg)
- Hikayatin ang iyong anak na kasiyahan ang proseso ng pagdrowing. Ang pagdrowing ay makakatulong sa pagbuo ng tiwala sa sarili.
- Makipag-usap habang ikaw ay nagdodrowing.
- Pagkilala sa mga kulay at hugis at pangalanan ang mga ito.
Mga malikhaing aktibidad
Ang malikhaing dula ay nagpapasigla sa lahat ng 5 uri ng pandama ng iyong anak – paningin, pang-amoy, pandinig, pandama at panlasa. Ito ay isang masayang paraan upang galugarin, tuklasin at alamin ang tungkol sa mundo sa iyong paligid.
![](/sites/default/files/2025-01/kinder-kit-2025-image-6.jpg)
- Hikayatin ang pagpraktis ng katatagan kapag nagsasalansan ng mga block. Kung bumagsak ang mga ito, ang iyong anak ay maaaring 3 beses na huminga nang malalim at subukang muli.
- Subukang igulong ang playdough at gawin itong isang bola, gumawa ng mga hugis, patagin ito, pitpitin ito.
- Magkakasamang gumawa ng musika. Gumawa ng iba't ibang ritmo at kumpas sa pamamagitan ng pagpalakpak ng iyong mga kamay o pagtapik sa ilang bagay sa inyong bahay.
Paglalaro sa labas
Ang pinangangasiwaang paglalaro sa labas ay isang malaking bahagi ng paglaki, pag-unlad at kagalingan ng iyong anak.
Ang mga bata ay maaaring:
- gumalugad at magkaroon ng ugnayan sa agham sa pamamagitan ng pag-aaral tungkol sa kalikasan
- makadama ng kalayaan
- makisalamuha sa ibang mga bata
- gumalugad at matutunan ang paggawa ng mga mahuhusay na pagpapasya kapag naglalaro
- pabutihin ang pagkilos ng buong katawan, koordinasyon ng kamay at mata at mga fine motor skill at pagkamalikhaing kasanayan.
![](/sites/default/files/2025-01/kinder-kit-2025-image-7.jpg)
- Pag-usapan ang tungkol sa mga dahon at pangalanan ang iba't ibang kulay at hugis.
- Magkasamang magtanim ng mga binhi.
- Makipag-ugnayan sa kalikasan. Pag-usapan ang pangangalaga sa ating kapaligiran.
- Lumikha ng mga sandcastle.
Dramatikong paglalaro
Ang dramatikong paglalaro ay naghihikayat sa mga bata na isadula ang mga likhang-isip na kuwento at gampanan ang mga papel ng ibang mga tauhan.
Gumagamit ang mga bata ng dramatikong paglalaro upang magpraktis ng mga mahahalagang kasanayan sa wika at pakikisalamuha, kabilang ang:
- paggalugad at paglikha ng mga bagong mundo
- pagbabahagian at paghahalinhinan
- mga paraan ng pakikipag-ugnayan at pakikipag-ayos sa isa't isa.
![](/sites/default/files/2025-01/kinder-kit-2025-image-8.jpg)
- Pangalanan ang mga hayop sa Ingles at sa iba pang mga wika.
- Lumikha ng mga tauhan.
- Gumawa-gawa ng mga kuwento.
- Paggamit ng mga puppet para tuklasin at ipahayag ang mga nadarama at iba't ibang emosyon.
Mga laro
Ang paglalaro kasama ang pamilya at mga kaibigan ay isang magaling na paraan upang makabuo ang iyong anak ng mga kasanayang panlipunan.
Ang mga laro ay makakatulong sa mga bata na matuto ng mga kasanayan sa matematika, wika at paglutas ng problema.
![](/sites/default/files/2025-01/kinder-kit-2025-image-9.jpg)
- Matuto ng mga panuntunan sa laro at magpraktis ng paghahalinhinan.
- Magpraktis sa paglutas ng problema at mga kasanayan sa memorya.
- Pag-usapan ang mga numero at magpraktis ng pagbilang gamit ang mga bagay-bagay.
Pagpapatatag ng komunidad
Ang paglalaro ang paraan kung paano natutuklasan at natututo ang mga bata tungkol sa kanilang sarili at sa mundo sa kanilang paligid. Para sa mga bata, magkasabay ang paglalaro at pag-aaral. Ang mga bagay sa iyong Kinder Kit ay sumusuporta sa iyo na makipag-usap tungkol sa pagkakaiba-iba at mga iba't ibang kultura.
![](/sites/default/files/2025-01/kinder-kit-2025-image-10.jpg)
- Kausapin ang iyong anak tungkol sa ibang mga bansa at sa mga katutubong hayop doon.
- Tingnan ang mapa ng mundo upang makita kung saan nagmula ang iba't ibang wika.
Paggalang sa identidad
Ang paghikayat sa mga bata na pag-aralan ang tungkol sa lahat ng mga kultura ay bubuo ng pag-unawa, pagtanggap at pagpapahalaga. Ang mga kultura ng Aborihinal at Torres Strait Islander, at ang mga kultura ng Koorie dito sa Victoria, ay buhay at umuunlad sa ngayon. Buong karangalan naming ipinagdiriwang sila bilang mga may-akda at artist sa Kits. Narito ang ilang aktibidad na makakatulong sa iyong anak na matuto nang higit pa tungkol sa mga tradisyon at kultura ng Koorie:
![](/sites/default/files/2025-01/kinder-kit-2025-image-11.jpg)
- Alamin ang mga simbolo ng Koorie para sa mga bagay o hayop.
- Matutunan at pag-usapan ang tungkol sa mga kultura, pinuno at bayani ng Koorie.
- Tuklasin ang kahalagahan ng Pagkilala sa Country (Acknowledgement of Country).
Ang website ng Victorian Aboriginal Education Association Inc. ay may masasaya at nakakaengganyong mga aktibidad na tumutuklas sa mga tradisyon at kultura ng Koorie.
Mga Aklat sa Auslan
Auslan ang sign language na ginagamit sa Victoria's Early Childhood Language Program. Ang programang ito ay makukuha sa ilang Kindergarten para sa mga Batang Apat na Taong Gulang.
Maraming benepisyo para sa mga bata ang pag-aaral ng ibang wika sa murang edad, kabilang ang:
- nadagdagan ang mga kasanayan bago makapagbasa (pre-reading) at makapagsulat (pre-writing)
- naiaakmang kakayahan ng isip upang tumugon at kumilala sa iba't ibang gawain o konsepto
- pagpapabuti ng pagpapahalaga sa sarili at kagalingan
- pinatatag na identidad ng kultura.
Marami sa mga aklat na kasama sa 2025 Kinder Kits ay mayroong mga pagsasalin sa Auslan.
![](/sites/default/files/2025-01/kinder-kit-2025-image-12.jpg)
- Ipahayag ang nadarama sa pamamagitan ng Auslan.
- Mangumusta sa Auslan.
Kagalingan at karagdagang suporta
Lahat ng mga bata ay natututo sa magkakaibang paraan at sa kanya-kanyang bilis. Ang Kinder Kits ay nag-aalok sa iyong anak ng mga libro at mga laruang pang-edukasyon na maaaring gamitin sa maraming iba't ibang paraan upang hamunin ang lahat ng kakayahan.
Kung kailangan mo o ng iyong anak ng karagdagang suporta, makakakuha kayo ng tulong sa pamamagitan ng mga sumusunod na paraan:
![](/sites/default/files/2025-01/kinder-kit-2025-image-13.jpg)
- Ang mga guro sa early childhood ay may mga kasanayan at kaalaman upang makatulong. Makipag-usap sa guro ng early childhood ng iyong anak tungkol sa iyong mga katanungan.
- Magpa-appointment para magpatingin sa doktor mo o maternal at child health nurse para talakayin ang iyong mga katanungan.
- Tawagan ang Parentline sa 13 22 89 para sa libre at kumpidensyal na pagpapayo at suporta.
Mga karera sa edukasyong Early Childhood
Pag-isipan ang pagsisimula ng isang karera sa lumalaking sektor ng kindergarten sa Victoria. Upang suportahan ka sa pagiging isang guro o tagapagturo sa early childhood, mayroong:
- naibabagay na mga opsyon sa pag-aaral
- mga mapagkaloob na scholarship
- mga insentibo sa pananalapi.
![Illustration of two children sitting on the floor playing with blocks while two adults talk, speech bubble from one adult with text](/sites/default/files/2025-01/kinder-kit-2025-image-14.jpg)
Ibigay ang iyong Kinder Kit
Kapag natapos na ng iyong anak ang mga bagay sa kanyang Kinder Kit, pag-isipang ibigay ang mga ito bilang donasyon sa isang charity para pahalagahan at magamit ito ng ibang tao.
Kapag nagpapasya kung ang isang bagay ay maaaring ipamigay, isang kapaki-pakinabang na gabay ang: maibibigay ko ba ito sa isang kaibigan? Kung oo ang sagot, angkop na ibigay ito sa charity.
Ang pagdo-donasyon ng mga angkop na bagay ay mahalaga para sa likas-kakayahan at paglaban sa pagbabago ng klima.
![Illustration of two children adding kinder kit items to a donations box.](/sites/default/files/2025-01/kinder-kit-2025-image-15.jpg)
Updated